Sunday, December 6, 2009

tara! let us all make a difference. :)

TAYO ANG TAUMBAYAN, TAYO ANG PAGBABAGO!
LET'S PUSH FOR CHANGE!

ALL FILIPINOS OF ALL COLORS ARE INVITED TO GATHER
IN A TRIBUTE FOR CNN HERO EFREN PENAFLORIDA ON DEC 11, 2009
FROM 3PM - 8PM AT THE NINOY AQUINO STATUE ON AYALA AVE CORNER
PASEO DE ROXAS. FREE CONCERT LED BY THE APO HIKING SOCIETY,
JUANA CHANGE, AND OTHER LEADING ARTISTS.

LET US UNLEASH THE HERO INSIDE US AND
STRENGTHEN OUR RESOLVE TO CHANGE OURSELVES AND
OUR NATION. LET US ALSO REMEMBER THE VICTIMS OF THE MAGUINDANAO
MASSACRE WITH A MOMENT OF SILENCE DURING OUR GATHERING.

PLEASE BRING YOUR PICTURE FOR THE DEMOCRACY WALL AND ONE GIFT TO
EXCHANGE
WITH A NEW FRIEND YOU MEET THERE.

PLEASE ALSO BRING SCHOOL SUPPLIES OR CASH DONATIONS FOR EFREN'S
KARITON LEARNING CENTER.


Program:
3PM ASSEMBLY AT AYALA AVE CORNER PASEO DE ROXAS
4PM TULAK NG KARITON NI EFREN ALONG AYALA AVE.
5:30PM to 8PM KONSYERTO PARA SA PAGBABAGO

http://www.youtube.com/watch?v=nKnGZY3lylg

Friday, December 4, 2009

psst.

dapat tulog na ko eh.

ay mali.

dapata asa opis ako para mag-overnight sa isang project.

kaso.
eto ako.
napa pesbuk.

naka chat ko tuloy ng konti si pastense.
kamustahan.
kwentuhan.

at yun.
humihirit ng NEW MOON.
mali ba ko ng basa?

na parang..
mejo..

uhm..

nag-aaya sya?

hehe.
parang hirit ni D**e lang ah.

pero malay ko hindi di ba?
mali pala.
baka trip nya lang sabihin yun.

gusto ko nga sana eh.

kaso.

shy.


aku.

:)


sya sige.

yun lang.

P.S.
1. first friday. patapos ko ng naabutan yung mass. asar!
2. di ako nakaattend ng meeting. lagooot. la pa ku script eh.
3. buti motor lang naka bangga sa kin. haaaay! Thanks You Lord at di naman ako napuruhan ni galos waley.
4. ON sa trabaho. di ako bumalik. hehehe.
5. may bago akong natutunang smiley sa pesbuk c/o dhen discaya. ganire ata yun.. :v
6. sweldo kanina.
7. gusto ko na talaga mag-open ng account sa bangko.
8. tulog na ko. muah.


:)

Thursday, December 3, 2009

uy!

sya nga pala.
alam mo bang nakatext ko si Pyang.

best friend ko, pero madalang ko na rin madalaw.

kasi naman.

para sa tulad kong masentimental.
hindi ko talaga maiwasan na kontrolin yung PHOTOGRAPHIC MEMORY ko.
yun bang.

sobrang linaw sa gunita mo yung isang pangyayari.

as in parang ako tapos pinapanood ko pa kami.

alam mo yun.

basta.

hirap i-eksplika.


hayaan mo susubukan kong iguhit para mas maintindihan mo.

sa ngayon kwento ko muna yung txt-txt-an namin ni Pyang.

kailangan nya daw ng friend.
kasi lost soul na rin rin.

takte! mukang halos lahat ng nakakausap kong friendly friend eh ganoon ang dilemma.
sbi nya muka daw kasing hindi nya na nasusuklian ng tama yung pag-ibig ng boypren niya sa kanya eh.
gets mo?
at yun sobrang nakakapraning daw.
eksaktong salitang sinabi nya.

suffocate
hala ka jan!
tsk!

syempre ako si positibo.
waaaag! syang susuko.
mahirap na.
sayang eh.
pagsubok lang sa kanila yan.

(galing noh? sa iba kayang kong pumayo ng pinaka positibong bagay na maririnig mo. pero sa 'kin? ah ewan! grabe! kapital A kasi ako. as ABNOY! duh?)

idolo ko pa naman sya kasi nga nipaglaban nya ang pagiibigan nila.
eh ako? wala akong ganong katapang na aura.

balik tayo.

ayun nga. after ng palitan kung bakit ganoon ang siste nila.
bumanat ako ng kita mo na?
...pano pa kaya sa tulad kong baguhan talaga?

Pyang: bakit? hindi ka pa rin ba nakaka move-on sa m***ng na yun?
move on girl. di sya deserving kumpara ke Mark. (may iba pang lyrics yan kaso di ko na po maalala.)
^.^: ndi pa eh. haha. ika nga nila ang pers tym bukod sa masakit sadyang mahirap talagang makalimutan. saka grabe ka naman. ikumpara ba? magkaiba naman kasi tayo ng sitwasyon. (di rin po yan yung eksakto kong sinabi ah. pero malapit yan sa orihinal.)

di na sya nag reply.

hehe. nainis ata.
pero, kung maka tawag ng mokong kala mo hindi nya hiniritan ng tsokolate yung tao.
hmp!


sya.
tinatawag na ko ng kalam ng sikmura.
minumura na ko dahil gutom na gutom na sya.

hehe.

P.S.: dapat sana humahagilap at tumitipa ako ng script para sa presentasyon ng PANUNULUYAN eh.
para sa nalalapit na kapaskuhan. kaso, ayun. tinawag mo ko eh, para mag kwentuhan. malakas ka kasi sa 'kin kaya ayan. napatambay mo ko.

sa susunod ulit ah.

next tym subukan natin lahukan ng chicha tapos serbesa hehe. ok ba yun sayo?

pano, sibat na ko. :)

abuso.

tsk. sori pards ah.
ang abusado ko noh?
kakauwi ko lang kasi sa galig opis. kaya eto di kita nasilayan.
kala mo ang lakas lakas ng resistensya ko noh?
ayan muka tuloy dadapuan ako ng sakit naun.
ay hindi pala muka.. ayan na sya.

nahihirapang huminga dahil sa sipon.
sakit ng ulo.
at medyo mainit na.

grabe.

partida pa kasi yn nakuha ko pang mag OVERNIGHT sa work.
hirap kasi h-um-inde eh.

sorry ah.

ang abusado ko na ba?
paki konyatan nga ako.
yung one time bigtime lang.

sige na please.

gusto ko lang kasing gumawa ng makabuluhan sa darating na kapaskuhan.
saka ko na ikukwento sayo kasi may jinx sa 'kin eh.
na kapag may mga bagay akong pinaplano.

mas madalas kesa hindi eh, sumasablay.
kakabadtrip nga eh.

yung mga plano.
nananatiling plano.
hindi naipatutupad.

KULANG KASI SA GAWA.

yaan mo pards.
di ko ipapangako pero.

GAGAWIN KO TALAGA SA ABOT NG MAKAKAYA KO NA MAGBAGO.

as in.


cool change pare.
cool change. :)

Tuesday, December 1, 2009

adik ako.

la lang

trip ko lang bilangin pa.




hehehe.




pang ika-siyam na buwan na sana. hehe.
walang basagan ng trip ah.
hehe.


naisip ko lang kasi.
lagi naman.

tuwing sasapit ang unang araw ng buwan.
hindi na maiiwasan.
sumusulpot na lamang.
yung pakiramdam ng panghihinayang.

ayun oh! ruma-rhyme. hehe.

sya yun lang.

baka ma-pa-emote nanaman ako sayo.

apir.

Tuesday, November 24, 2009

ano kaya yun?

alam mo ba kanina.
as in kanina.
pag gising ko...
super taka talaga ako kung bakit twice ko nang napapanaginipan yung mudra ni Pastense.


WEIRD.


yung anak niya yung madalas kong naiisip tapos bakit ang nanay ang naandon sa eksena?

unang panaginip scene: (after ng break-up)

napasakay daw ako sa isang sasakyan na.. L300 ata yun. tapos.. naandon yung mudra niya.
tinanong ako kung saan ako pupunta. di ko na maalala kung saan eh. basta pa antipolo din yun.
tapos. chikahan kami. pero hindi todo chika huh. pabugso bugso lang. tinanong niya pa nga sa kin kung na saan yung anak niya eh. ndi ata ako sumagot nun. tapos namalayan na lang namin papara na ako. sa palengke nga pala daw yung punta niya. tapos ako sumama na rin. tapos nung asa palengke na. naghiwalay kami ng pinuntahan. ayun. ewan ko na.

di na kasi klaro eh. kasi medyo matagal na.

pangalawang panaginip scene. (latest as in kanina nina lang.. pres-na-pres pa beybe! hehe.)

sa isang lugar na maraming tao. almost kababaihan lang ata. parang reunion nga yung style eh. naandon yung lola ko, mga tita tapos dun nakita ko yung mudra niya. may dalang pamaypay tapos naka-red blouse pa nga eh. tapos kinausap ako. saka yung mga tita ko sa side ng mama ko ha. ayun. tapos nun gumising na ko.
pag gising ko una kong inalala yung mga pinag usapan dun eh.
kaso.
hindi ko talaga maalala.

ganun naman karaniwan sa panaginip di ba? kadalasan yung photographic memory lang yung maaalala mo. haaay.

tapos yun. bago ko pumasok eto naman banat ni mama sa 'kin.

(unedited yan ha.. eksaktong pagkasabi.)
*tinawag muna ako.. bibili kasi pala muna ako ng yakult nun eh.*
nanay ko: 'ter lika.
ako: po?
nanay ko: na ospital pala yung EX-BIYENAN mo.
(take note of that.. ex-biyenan. kulit din netong nanay ko eh noh. tira-paso. hehe.)
ako: haha. eks-biyenan talaga eh noh. haha. sino pong nagsabi?
nanay ko: si Nelson kanina nag kukwento.
ako: ah. kaya pala napanaginipan ko yung muder niya. blah blah blah..

yun nga ikinuwento ko yung panaginip ko.. tapos bumili na ko ng yakult.

tapos sinabi ko Kulot yung sinabi ni mama. sabi naman netong si Kulot (Lhen, kapatid ko)..
hindi naman daw yung muder yung naospital. yung kapatid niya daw. ayun. parang na confuse at na curious tuloy ako at gusto kong iparating yung simpatiya ko.

puntahan ko kaya?


parang kaya eh noh?
ang epal ko talaga. tsk.
hanggang salita lang naman ako eh.
ganito kasi yan.

baka kasi masoplak ako eh.
parang ganito:

wala kang pake! eks lang kitaaaa! ekssssss!


waaah! tingin mo? haaayyy! nilalamon na talaga ako ng hiya pagdating sa kanya.
kaya kahit gusto kong gawin yung gusto kong gawin sa kanya kahit noon.
di ko talaga magawa. poootek! abnuy talaga ako oh grabe.

pengeng gamooooooot dito pleeeeeeeeeeeeeeeeeeease!

ang OA ko na. wala na.

hehe.

nga pala. nilibre ako ni Ate Jean sa Jabi ng spategi.
ayun.
tapos wentuhan tungkol sa kalakalan ng minamahal naming kompanyang pinag tatrabahuan.
tapos dumaan sa simbahan kakatapos lang ng sermon pag dating ko. kaya ayun, ako ay.











nag-dasal. :)

Sunday, November 22, 2009

nang mag koro uli ako.

KORO?

as in CHOIR sa ingles.

AKO?

as in.. yes..

ME nga. hehehe.

akalain mo yun.


syempre para kay Lord toh.
kahit wala naman akong talent sa pagkanta.
ipipilit ko na rin. hehe.
basta para ke Lord. ^_^

Ganyan ko Sya ka LOVE eh.

kanina kasi nagpraktis kame.
masaya naman mukang kahit paano welcome ulet.
sana tatagan ko ang loob ko at mag tagal-tagal naman ako.

teka maalala ko lang nag choir na rin naman ako dati eh.
kaya nga ako nalibre ng SAKOP na makapunta ng ENCHANTED KINGDOM.
nasa ikalimang baitang pa ata ako nun eh. haha.

teka.


parang trip ko tuloy bumalik dun.


tsk!

sana may 13th month kami.

i-ti-treat ko talaga sarili ko dun.

sama ka? hehe.

basta KKB. hehehehehe.

bibili kasi ko ng pasalubong eh.

pero pag swak sa budget.

ge.. subukan kong ilibre ka. ha?

di pa sigurado. basta.


tapos ayun.

balik tayo.
pagtapos ng praktis sumama ko kila Kim at Mengtot na pumunta sa Parish Office.
kahit di ako sinasama.
sumama ako. hehehe.
tapos yun.
OK yung batang si Kim.

tapos yun.
kumain sa KFC.
libre. ^_^

ang SARAP talaga mag SERVICE ke God noh?
nakakatikim ka ng mga ganoong bagay..
yung hindi mo ineexpect na bibigyan ka ni God ng ganoong kapalit.
busog.
tapos.
basta.

kung makikinig lang talaga ako sa mensahe ni Lord noh?
ibig kong sabihin, kung lalawakan ko lang talaga yung pag-tanggap at pakiramdam ko sa mensahe ni God. mauunawaan ko ang lahat.

gaya nga ng Homily kanina.

kailangan daw sa TUNAY NA PAGMAMAHAL, dapat marunong MAGPAKATOTOO.

TRUTHFULNESS = LOVE

hays.

syempre sapul nanaman ako di ba?

nga pala.

nag renewal of COMMITMENT to Christ kanina.

commitment to _______ kaya? kelan ko ma-re-renew?

haha.

joke. (half-meant-true daw yun diba? O_o)

hoy Phado!!
commitment muna ke God atupagin mo.
saka service to community.
hindi mo nga napanagutan yung matagal mo ng hinihirit ke Lord na Gods Gift eh.
tapos. ayan ka na naman.

umayos ka muna PHADO pwede baaah!?!


OPO.

Tuesday, October 13, 2009

ligaw.

INFP - "Questor". High capacity for caring. Calm and pleasant face to the world. High sense of honor derived from internal values. 4.4% of total population.
Take Free Myers-Briggs Personality Test



sumagot ako sa isang tinatawag na Myers Briggs Test Results at yan ang lumabas.
ang galing brad! akmang-akma. kakagulat kaka-amaze.. ngayon.. sa pag hahalukay ko ng kung ano ano sa internet at malawakan pang pagbabasa ng libro.. paunti-unti ko na sigurong nakikilala yung AKO. hehe.

ayos noh? parang soul searching ika nga ni Mengtot. haha! grabe.. sa totoo lang hindi ko inexpect na ganun pala ka-weird yung babaeng yun. grabe. sa lahat ng taong naging malapit sa 'kin.. masasabi kong kakaiba sya.. haha. as in.

nahirapan talaga akong humanap ng salitang pwede kong sabihin sa kanya para kahit paano ay may maibigay akong comfort. ang totoo kasi alam kong minsan napunta ako sa puntong ganun.. insensitibo. pero saglit lang.. mas nananaig pa din yung pagiging sensitibo at pakikialam ko sa mga bagay bagay.. yun ako eh. yun na yun. nilalawakan ko yung pangunawa at pag oobserba sa mga bagay bagay sa paligid ko lalo na sa mga taong nakakasalamuha ko. aaminin kong madalas nagiging judgemental ako sa mga ganoong pagkakataon lalo pa't sa tingin at gawi lang ang basehan ko. kaya nga hanggat maaari ipinapakiusap kong wag akong tanungin tungkol sa iniisip ko sa isang partikular na tao. kasi kaya kong masabi yung pinaka totoong masasabi ko ng hindi iniisip kong makakasakit ako o hindi. pero kung tutuusin para sa kanila rin naman yun eh. db? bibihira kasi sa tao yung nakikita yung sarili nilang flaws minsan kailangan pa talagang malaman mo yun sa iba.

ay sya!

antok na ko. hanggang sa muli.



DEAR GOD,

SANA MATULUNGAN NYO PO SI SHERMAINE EBUENGA NA MAHANAP YUNG NAWAWALA NIYANG SOUL. :) PATI NA RIN PO YUNG KAIBIGAN NG (anu na nga bang pangalan nun? di ko napansin. hehe) BASTA PO YUNG FRIEND NG MAY-ARI NG BLOG NA NALIGAW AKO KANINA. SALAMUCH PU!!

Thursday, October 8, 2009

dramatiks

gusto kong sumulat.

gusto kong sumulat.


pero hindi ko alam kung papaano babanat.
sana pahintulutan na ako..
na hindi naman tungkol sayo ang laging maisulat ko.
pero may magagawa nga ba ako?
eh..
hanggang ngayon aminado akong..

OKUPADO mo pa rin ako.

sana alam mong,
dahilan ka ng pagkabuo nito.
ikaw ang bumukas ng mata ko,
para ganahang magsulat dito.

ayoko sanang maging makata,
kaso hindi ko maawat lumikha.

katulad ng pagsulat.
gusto kong ipagtapat.

gusto kong lapitan ka.
gusto kong makita ka.
gusto kong hawakan ka.
kausapin at akapin ka.

sya nga pala.
alam mo bang dalawang araw kitang bisita.
sa panaginip nga lang sinta. (yun oh! 'sinta')


parang totoo.
parang hindi panaginip.
hindi isang likhang-isip.

totoo.
akala ko totoo.
sana totoo.

galing noh?
bumaliktad na yung mundo.
karma nga ito.
sa mga bagay na pinalagpas ko.
sa mga pagkakataong hinayaan kong;

nakawin ng panghihinayang,
mga sadaling aking sinayang.


tutuldukan ko na ba talaga ang ating kabanata?
ikakahon ko na bang tuluyan ang ating ala-ala?
itutupi ang natitira ko pang pag-asa?


?
?
?
....
...
..
.


hindi ako mahusay umayos ng tula,
mga pagbaybay at mga puctuation marks eh hindi ko malagay sa tama.
pasensya na kung trying hard ha.

sya nga pala..
kung sakaling mapadpad ka dito at narinig.. este.. mabasa mo 'tong mga sentimyento ko..







hihiling lang ako.
itakbo mo na ko. :'(



ASAAAAAAAAHHH!
*bow*

Tuesday, October 6, 2009

pahabol lang.

oo na! matutulog na nga eh.

naglipat lang po ng ebook sa mp4 ni bunso.. para lang may mabasa ako para bukas..
mukang nakaka-inlab to ah.



nga pala.

isang pag-uusap:

opismeyt: alam ikaw dapat nag-loloan eh.

phado: huh?

opismeyt: kasi wala kang PAG-IBIG.

phado: *ngisi* tado!



ayun.


adik.


sapul.


pede ba mag-LOAN????

hahahahahaha!

*apir!*

Monday, October 5, 2009

Uuuuy! Yiheee!

hehe.



alam mo tsong..


kita ko si PASTENSE hehe..

(ampogee nya!! bata? hehe. mas gusto ko lang kasing semi kalbs lang sya eh tas may balbas ek ek.. ayun. kaya nasabi kong ampoogee nya. poootek! para kong teenager ah. haha!)

ay alam ko na!

kaya pala gusto kong kumain ng ice cream kasi makikita ko sya ngayon.

haha!

connect??

inasar pa nga ako ni mudra eh.

sabi: "Si EX mo oh."

umaasar pa tong nanay ko eh noh.

(kung alam niya lang.. iniisip ko nang takbuhin yun ng akap na mahigpit na mahigpit sa sobrang miss.. ehehehe! chos! as if kaya ko yun in public.. with his friends on the background.. haha! di ko kaya yun in action eh.. kaya.. isipin at ibabahagi ko na lang sayo. wag mu pagkalat huh. ^^ ni sulyapan nga sya ng tingin eh, di ko magawa.. yun pa. tsk!)

nagpanic nga yung heartbeat ku ih. bat kaya? may after shock?

maiba tayo.

nakuha na nga pala namin yung allowance namin sa TESDA kanina.
soplak nga ako nung nagbibigay eh.
(kala mo kagandahan!)
haha!
EPAL kasi ako.
barado ako dun ah.
buti di ako umiyak.. (iyak?)
haha!
di naman kasi ako apektado.
natawa lang ako sa sarili ko.
at sa kanya..
absent kasi yung SENTIDO KOMON niya eh.


anibersaryo din pala ngayon ng ka-loveteam ni Meng (Shermaine).. tatlong taon na sila. yey! haha! (kung matuwa eh noh.. kala involve.. haha!) masaya lang ako para sa kanila.. di naman masama yun eh.. at medyo inggit ng konte. dream ko kaya ang isang long-term relationship.. yung pang lakaran na kaagad ng altar. yihee! (dream on!!! for me.. hahaha!)
binigyan nya rin pala ko ng green archer bottle yung free sa jabee! ang sweeeeeeeet! touch ako. meron na pala sya nun.. tas sabi nya naisip nya daw kasi ibigay sa kin. yey! touch talaga ako. prameeees!



eto tapusin ko na tong entry na 'to.. overnyt kami bukas eh. baka hindi kita mabisita huh.


NYAPEE BOYTDEY na din para ke ERPATS bukas.
lasingang bonggang bongga nanaman to para sa tatay kong congressman.
kampay!


*akap*


pahabol:

alam mo bang kani-kanina lang..
natakot talaga ako sa kapatin kong si KULOT
pOootek!
kakatakot talaga sya pag walang natitirang pakaen sa kanyang gayong super tomguts na sya.
grabe! OA pero.. nakakatakowt talagae ih! waaaaaah!!!
parang pag di mo sya pinakain.. magiging isang dambuhalang monster sya at kakainin tayong buong sanlibutan.. hehe! OA (over action) hahaha!

ayos!

Saturday, October 3, 2009

walang nakakamiss!!

PoOoOtek!



wala talaga.


di ko nga namimiss yung mga text niya eh.
lalu na yung sasabihin niya lang palang mahal niya ko.
di ko rin namimiss yung pag-pa-pa-pampam niya.
hindi talaga! hindee!

di ko namimiss yung pag-sisimba namin.
na iianticipate ko pa yung "peace be with you!" kasi ikikiss ko na sya. *landi* hehe.
di ko na mimiss yung feel na feel kong pagkanta ng "Ama Namin" at syempre magkahawak kamay kaming kakanta nun kahit pa nga that time eh kasalukuyang pinapaalis muna ang hawak kamay dahil nga sa N1H1 virus.

di ko namimiss lumakad kasama sya.
lalo na yung hawak-kamay pa.
mas lalu naman yung pagtripan yung pilat sa kamay niya dulot daw yun ng natunaw na straw/plastic.. di ko namimiss yun pramis.


HINDI KO NGA SYA NA MIMISS.

yung AKAP niya.. tas mararamdaman mo yung parang 3mos niyang chan. (isa yun sa pinaka HINDI ko na mimiss.)
pati yung mga tingin nya lalu na pag tinataasan nya na 'ko ng kilay at nakukulitan na sya sa panghaharot ko. di ko namimiss yon! hindi!

Poootek!


hindi talaga.

hindi ko nga namimiss yung presensya niya tuwing tatawid ako.
yung mga pag-alalay niya.. hindi ko namimiss yon.

hindi ko rin namimiss yung mga banat niyang malupit.
yung mga tula niya.
yung palitan namin ng kuro-kuro.
hindi ko namimiss yun.


walang wala akong namimiss na kahit ano sa kanya at sa mga ginagawa niya at ginagawa namin.
poOoOtek!


hindi ko talaga sya namimiss.
wala akong oras para miss sya.




yung boses niya?
yung malakas na boses niyang yun na parang laging galet.
sinong makakamiss nun. ako? hindi ah. never.
yung tawa nyang parang pang kontrabida.
yun yung PINAKA HINDI ko namimiss.
at eto pa ang HINDING HINDI ko kailanman pangangahasang pangulilain.

yung pagkumakanta sya at tinatawag ko pa syang WALKING JUKEBOX.
kaya nga ako may iPod lagi eh kasi hindi ko namimiss yun lalo na pagnaglalakad akong nagiisa.


Diyos ko Lord hindi po talaga.
kaya sana pagbigyan niyo po ako ng isa lang.
isang malupit lang.
bigla ko po kasing naramdaman nanaman yung isang masakit dito sa dibdib eh.
gusto ko lang po talaga ilabas.



POOOOOOOOOOOHHHTAAAA!!!
bakit ang SINUNGALING ko na!!!

siiiiyeeeeet!!!!







yun na!!


oo na.
ang tagal na nga masyado..


pero sabi nga sa nabasa ko.



ang perstaym daw.
bukod sa mahirap makalimutan.
M-A-S-A-K-I-T!
oo.. sadyang masakit talaga ang perstaym.
waaah!!




sige bahala ka ng mag-isip!

Friday, October 2, 2009

lightyears.

naun ku lang napanood ng buo yun unang pasada ng eraserheads reunion concert..

ang dami din palang kinanta ni kuya Ely bago sya ma-lo-batt..


infairness..



ang kyut-kyut ng pagkakaupo nya nun ah.


parang bata.
pero kaka sad after.




yun ba talaga yun?
pagkatapos ng kantang.. Lightyears??

tapos yun na.
in-announce na nga na..
haays! good thing nagkaroon ng take two.
pero pinaka importante ligtas si kuya ELy.
sa dami ng tao dun na pihado ipinag-pray talaga si kuya Ely.
(hehe. feeling close pa kuya-kuya pang nalalaman. hehehe.)

eto bangis.
kasi nandun ako sa take two ha.
(sige na nga andun kami.. yihi!)

kahit soundtrip laang at hindi natuloy ang plano kong makabili ng silver man lamang.
oks lang. as in solb na solb naman eh. (plus pa kasi kasama ko si pagsintang-irog.. yihi ulit!)
palagay ko yun pa lang solb na ko. haha. saya eh.


*pause*
*salungbaba, tulala*


ayan! nagbalik-tanaw na naman ako tuloy. tsk.


haynakoOoo!

eto na naman ako di ko nanaman nagawa yung talagang pakay ko kung bakit ako nasa harapan ng PC. PoOtek! talaga oh. naaaliw kasi akong magbasa at manood eh pati narin pala mag-download.


pano..
sibat na ko dito sa blogspot ah.
bukas ulet kung makakasingit.

sya nga pala.
paparating na daw si bagyong PEPENG.. ndi pala peping nak ng TETENG oh oh!

dahil naghahanda rin daw ako kunware na para bang isang gel skawt of the peylepeyns..
napadpad akong SM mag-isa. (oo as in mag-isaaaaaaaa!!!! takte! tapos makikita mo yung mga bopren gelpren holding hands ek-ek.. waaah! nalungkot ako. bitter pa rin???! etchos! pero impernes.. may lungkot talaga. dati naman sanay akong ganun. pero simula nang maranasan kong mag-mall tour ng may kasamang pagsintang irog na as in kaming duwa lang.. haaay! with matching *handa awit* kapit kamay tayong dalwa nakangiti at kapwa masaya.. takte! daming pede larawang kupas pa?! hehehe! paniiis!)

balik tayo.
ayun.
bumili lang naman ako ng noodels at papay eh. tas dapat kandila.. pero nalibot ko na ang sabon section eh wala talagang kandila. (oo na tanga na.. bat sa sabon section?! wala lang. kasi yung nagaassist dun eh, tinuro nga sa 'kin.. wula aman dun. labo!)

eto nakakainis sa 'kin.
di na yata lilipas ang araw na wala akong gamit na maiiwanan kahit saan.

naiwan ko lang naman yung selepono ko sa opis.
nakarma yata ako kasi inaasar ko si kuya carlo nung naiwan nya rin selepono niya.
aynakoOoO! kaBobO ko talaga oh oh! pano na lang kung bumaha dun?! haaays! (morbid eh noh para selepono lang.)


isa pang nakakainis dahil sa PEPENG yan! (oOps sagwa pakinggan. sensya! si PEPENG po ay bagyo ha. wag tayong berde. hihihi.)

eto mga hindi natuloy.
walang UNIT ASSEMBLY ng Singles for Christ sa Christ the King.
hindi rin natuloy ang grand finale ng SESSIONISTAS kungsaan magtatanghal sana ang dalawang bandang Eraserheads at Rivermaya. ay! este Pupil pala hindi E-heads. hehe.

epal kasi yung PEPENG yun eh. ay! sagwa talaga. hehe.

basta dahil kasi sa kanya.. ang daming nagpapanic.. nagka phobia na kasi halos lahat dahil kay ONDOY na yan. (buti pa to di masagwang pakinggan. hehe.)


yun na nga ang nangyari. Godbless bukas.
(TRIVIA: dapat "Goodluck" yun isusulat ko sa Godbless kaso. ayun! may narecieve akong text na gling daw ke lucifer yun. so ayun! eh uto-uto naman ako saka mas masarap din naman pakinggan yung GOD BLESS eh.)

kasabay din ng text na yan yun tungkol sa mga koreanong tinawag tayong mga monkey. mga gagew yun ah! kala mo kung sino eh bopols naman umingles. aynaku! kakainit ng ulo. aminado pa naman akong panatiko ako ng istilo nila sa pananamit at iba pang porma.. tapos ganun! ay! tsk! kung tutuusin nga Pinoy sila umaasang matututo ng ingles. di ba? di ba? sa Pinoy sila kadalasan nag-papatutor? kaya wag silang anu jan! nakOoO!

nasaktan nga pala ako sa kwento ni ina kanina. haaaay! as in. alam ko namang aanga-anga ako at mejo dumadalas pa nga. pero.. kasalanan ko ba yun. mabuti nga't ipagpasalamat na lang nilang di kami yung naano eh. bukod pa sa nabawi naman yung pitaka ko. pasaway na kung pasaway pero sana wag naman ganun.. yung gawin ka pang laughing stock at ipagkalat pang TANGA AKO. (na parang ipinagkakalat ko na rin dito ehehe.) dahil lang sa ilang beses na kong nasasalisihan, nawawalan, at na-uuto. haaay! SELF PITY. kahit tumatawa ako at dinadaan ko sa biro.. pramis. nasaktan talaga damdamin ko sa mga sinabi nya at sinabi ng peborits nyang anak. ayan oh! naiiyak na kOoO. waaaah! lagooOot! di ako galit kay kuya ah.



TRUTH HURTS lang talaga. :'(


eeeew! drama ku talaga. *groan*

Thursday, October 1, 2009

a-uno.

unang araw ng oktubre.


eto ang angas tsong!
ang aga ko pumasok.


eight twenty two ata ako nag in sa log book.
*apir!*

biruin mo yun.
haha.
madalang pa sa eclipse yan.
sana mag tuloy tuloy..
*chorus: wish kooo laaaaaang..*


basta ang saya kasi.
umpisa na ba ito?
ng aking pagbabagong mortal?
hehe.

anyway.
dahil ONE ngayon.
hayaan mong batiin kita.
hehe.


*speechless*


sinong babatiin?
haaays! eto nanaman ako oh.


*Lord.. sorry Po!*


preno ko muna 'to ayan na naman eh.
may mas malala pa naman na nagaganap kaysa sa sariling drama ko sa buhay.
eto natagpuan ko sa FS Bullets.. mula sa maganda at seksing chick na idol ko. hehe.

Date: Thursday, 1 October, 2009 5:25 AM
Subject: Saturday-Philippines, Tuesday-Samoa, Wednesday-Western Indonesia
Message:
Last Saturday Ketsana "Ondoy" killed more than 240 Filipinos & some are still missing, Tuesday an Earthquake in Tonga caused a Tsunami killing over 80 people in American Samoa and yesterday 09.30 Wednesday a magnitude of 7.6 rocked western Indonesia at 5:15 p.m trapping thousands under collapsed buildings. -- this is sooooooo bAd!


napanood ko nga yan mga balitang yan.
grabe noh? saklap.
inuubos na tayo.
katapusan na ba ito ng mundo????
o ganti lang ni Mother Earth.
masyado na daw ata tayong umaabuso eh.
waaaaaaah!!!! *panic*




*relaks na ulet*


sa isang banda..
kulang kasi tayo ng FAITH.

sa tagalog..


PANANAMPALATAYA.


kanino?



kanino pa eh di kay..


LORD.






wala namang may gusto na mangyari sa 'tin ang mga ganitong kalamidad di ba?
kahit si Lord pihado ayaw Nya rin mangyari sa 'tin yun.
kaso..
kulang lang talaga tayo nun.

kaya tara mga tsong..








DASAL TAYO. ^.^


Pahabol:
Narinig ko kay Menggay kahapon..
sabi daw ito ni Fr. Christian..

teka.. alamin ko na lang ulet. hehe.

Monday, September 28, 2009

breath in, breath out.

naglakas loob lang naman ako..



















mag-iwan ng mensahe sa FS.
isang matapang na hakbang.
hehe.

arte ko.

di naman yun big deal.
hehehehe.

praneeng ka phado! praneeeng!!!!
yun lang.



*tinamad*

Sunday, September 27, 2009

BAGYOoOoO!!

bumabagyo na nga kanina nakuha ko pang i-blog noh?
grabe.. ilan na naman kaya ang ibabalitang itinumba ng bagyong..
sino na nga ba yun??
nagsisimula sa O..
uhm..
(teka tanong ko lang muna..)
ahh.. yun! oo.. si Ondoy..
(ewan ku lang kung tama pagkaspell ko sa pangalan nya ha..
wag naman sana syang magalit sa 'kin.. kung mali.. hehe)
ayun.. nagising ako ng mga alas-dose..
aktwali mas maaga pa ng ilang minuto pero in-advance ku na para masaya..
sa totoo lang may balak akong pumasok eh..
pero salamat na rin kahit paano sa pag-atake ni KATAMARAN.. hehe.
kasi kung hindi dahil sa kanya.. malamang kasama ako sa libong taong stranded sa kalsada..
ang CHUBBY ko pa naman at medyo may pagka-TANGA.. sumusuot lang kung saan saan..
mga trip ko rin kasi minsan wala sa hulog eh..
kaya ayun.. madalas matanga.. hehe.
anong point? ganito kasi yun tsong.. wala akong planong ma-deds dahil lang sa kalampahan ko kung minsan. baka magmatapang ako sa gitna ng baha tas i-anod ako.. yay! saklap nun.
parang kelan pa naman nakapanaginip ako ng ganung scenario.. pero di ako inanod ha.. may baha lang.. tapos tipong parang dagat kasi lakas ng pag-agos. (morbid ko pa naman mag-isip.. ganyan ako ka PRANEEENG!)

pero etong masaya..
mahigit ilang oras rin siguro akong nagtampisaw sa baha ng bahay namin..
panaka-nakang sumusugod sa ulan para maligo.. grabe tsong namiss ko yun.
sa sobrang miss parang trip ko ngang gumulong dun sa "pataasan" (yan yung tawag namin sa bahagi ng kalsada kung saan mas mataas sya sa kinalalagyan ng lugar namin.. gets? basta yun na yun.. para syang nag sisilbing padulasan ng mga munting sasakyang de gulong e.g. trolley, toy cart o bike basta kahit anong maisip mong may gulong na trip laruin ng mga bata.)
ayun!
balik tayo..
sa paliligo ko nga sa ulan..
kulang na lang gumulong ako sa pataasan na yun para lang ulitin yung dating ginagawa namin nung kabataan ko pa.. (oo, sa ayaw at sa gusto ko.. klasipikado na ko sa bilang ng hindi na gaanong kabataan.. di nga lang halata.. bente dos na ko.. bata pa ba yun? mag-isip siguro minsan aminado ko dun.. hehe.)
pero di ko ginawa.. miya damputin na lang ako at pagkamalang may sapak sa utak.. hehe.
nilaro na lang namin ni Kuloten yung munting mercedez ng pamangkin con inaanak kong si Jerome. haha. hayun.. parang bata nga.. sarap! wala ng sasarap sa ganung pakiramdam.. haaay!

naalala ko naman tuloy bigla.. nung bata-bata ako. siguro mga elementary days.. nagmamadali akong tumanda.. kasi gusto kong magtrabaho at kumita ng pera. makatapos sa kolehiyo at makatulong. pero takte! eto na ko oh.. kahit pano kumikita ng pera.. tapos ng kolehiyo (pero hindi yung pinangarap ko.) isang malaking tanong ko lang. NAKAKATULONG NGA BA 'KO? o pareho lang? haay! saklap. sana naman kahit pano.. OO yung masagot ko. pero.. ewan ko.


sya nga pala.. alam mo bang sa mga ganitong pagkakataon sumisingit na naman yung isa dun.. yung taga-antipolo na, pero laking san juan talaga sya.. grabe! sakit na yata yung palagian nyang pagtambay sa ala-ala ko ah. tsk! eto mahirap sa taong ma sentimyento eh.. hirap ibaon sa limot yung taong may naipong magagandang ala-ala kasama ko at kaparehas mo nga ng trip sa buhay. mahilig din kasi yun maligo sa ulan. minsan nga naisip ko na sana minsan mangyari na magkasabay kami maligo sa ulan.. as in literal na ligo hindi yung nagpapaulan lang.. tapos sasamahan ko na rin kaya ng kissing scene??? hehe.. jowk! di ko pala tinatangkilik yung PDA. pero pramis.. minsan naglaro talaga sa isip ko yan.. an suwiiiiiiit siguro nun tagpong ganun noh tsong? palagay mo? o masyadong gasgas.. tipong ala richard gutierrez at angel locsin? yihi! kinilig sya o ako? sige na nga ako na.. hehe. tapos eto pa.. kakargahin pa daw tapos iikot ikot (parang tanga lang!) hehe. baduy ko pare baduuuuuuuuyyy! hehe. yan naman ang inisip ko lang dahil trip kong matawa.. korni na kasi yun eh.. pihadong sa pinilakang tabing, sine-sine at telebisyon lang nangyayari yung ganun. jologs na tingnan sa totoong buhay. kitams miski ikaw nabaduyan. hehe.

ay teka..
tutal usapang ulan naman na..
alam mo bang napakasarap rin ng tagpong ma-stranded kayong mag-sing-irog sa ulan?
oo tsong! grabe! heavy.. hehe. (parang adik lang eh noh?)
naranasan ko nga yun.. ang sarap parang chicken joy.. (bakit chicken joy?)
kasi maalala ko lang.. katatapos lang namin kumain nun sa Jabi eh.. tas biglang umulan..
mahina lang naman.. pero ayun mejo pinahina pa namin.. tumambay muna kami sa madilim. (wala naman kaming ginawang kalaswaan pramis.. desenteng tambay lang. bakit nga ba ko nageexplain? kasi ganito yun minsan kasi na tsismaks yun na may tsiks daw na ka kissing scene na mega kandong pa daw yung tsiks.. sino kaya yun? tsk! tsk! mga imbento kasi ng mga dalaherang walang magawa sa buhay mega exaggerated talaga kuminsan.. buti sana kung minsan lang eh.. may ilan kasing tila hobby na nila.. kaasar!)
ayan! balik na nga tayo sa kwentong stranded..
kalbs kasi yun eh.. parang beybi, naisip ko yung bunbunan nya baka mahamugan pa. hehe.
ayaw nya rin kasi akong magkasakit syemperds. kahit pinipilit kong gora na kami kasi alam ko dat time kikitain nya dapat yung pamilya niya eh.. kain din sila sa v-mall. niaaya niya nga akong bumanding sa family niya.. kaso SHY aku eh. hehe. moment nila yun eepal aku? pero infairness natouch ako dun knowing na gusto nya kong gawing parte ng pamilya niya. hehe. kahit sinong gerl naman ganun mararamdaman eh.. o kahit pa nga boy daba? tama naman ako? ayun..
bond with his family??? masaya yun.. kaso dyahe pa talaga ako nun eh. hehe. miya interviewhin ako.. di ako ready. hehe. pero kung tutuusin di ko na sakop pa yang alalahanin na yan ngayon.. epal din ako eh noh.. kinuwento ko pa talaga. sinasalakay na naman tuloy ako ng hukbo ng panghihinayang at tanong na: paano nga kaya kung pinaunlakan ko ang pagkakataong makabonding sila sa ganoong moment? ano? paano? sagutin nyoooooo kooooo????!!!! (haha. baliw?)
balik tayo sa stranded thing. ayun nga.. nagkukulitan lang kami sa isang tabi dun.. kasi ayaw nyang ipaubos sa 'kin yung jolly frost ku. kasalukuyan kasi ata akong may epidemya nun eh.. (ay! mali OA.. sipon lang ata na medyo may ubo-ubuhan.) tinext nga rin ako ni mama nun eh.. kasi siguro sinabi ni Ate Sitang na kasama ko nga yung loveteam ko (noon). kasi bago kami pumunta kay-ka-Jabi nakasalubong namin si Ate Sit (tita ko nga pala sya.) biglaan nya yun alam ko eh.. bigla na lang nya kong niyaya dahil nagugutom daw sya.. (lagi naman. hehe.) alam mo tsong sa totoo lang.. isa 'to sa mga bagay na nangungulila ako eh.. di ko namimiss si Jabi.. pag may salapi ako kumakain naman ako noon dun mag-isa eh. ni hindi ko nga maramdaman noon na hindi masaya kumain ng mag-isa. pero tsong.. iba pala talaga kapag naranasan mo ng kumain kasabay yung taong espesyal sayo.. na para bang halo-halo na may ube at leche flan.. (huh? ) pero pwera biro brad.. yun nga.. ngayon pagkumakain akong mag-isa sa mga fastfood.. biglaan akong sinasakmal ng lungkot at pangungulila ng nag daang panahon na magkasabay pa kaming umuubos ng Mc Float, nilalantakan ang spaggetti ni Jabi, nilalasap ang sarap ng gogo ceasars ng KFC. takte! meyn! kakamiss talaga! iba kasi talaga yung sarap ng pagkaing pinagsasaluhan nyong mag-sing-irog eh. haaays! tama na nga.. baka san pa mapunta 'to. nangingilid na yung luha sa mata ko oh. huhu. hanggang ganito na lang naman ko eh.. GUNITAIN.


:'(



teka bago ko tapusin tong entry kong to..
balik tayo sa bagyo..
sana naman di ka masyadong puminsala ng tao..
oks lang kung mga establisyementong makasalanan..
wag mo rin ubusin ang mga puno..
pati na mga pangkabuhayan ng mga taong umaasa lang dun..
please lang oh..
makasalanan din kaming mga tao..
pero bigyan mo kami ng pagkakataong magbago..
kahit pano naman may mangilan ngilan pang mabubuting nilalang dyan..
(di ba Lord? *tingin langit*)
so, pano bagyo? dumaan ka lang ha, wag ka lang kumitil ng buhay..
at sya nga pala..
oks lang din na maglimas ako ng baha sa bahay namin..
basta oks din yung mga mahal ko sa buhay..
nawa'y walang dapuan ng sakit sa 'min dulot ng medyo natuyuan na mga katawan dahil sa ulan.
at para sa mga na stranded sa ulan kanina at yung mga stranded pa rin..
ligtas na sana sila.. ayun!
salamat!


signing off..

Tuesday, September 15, 2009

ordinaryo

wala naman akong masyadong kwento ngayong araw.
eto napaka ordinaryo.
6:00 am
gumising.
natulog ulit.
7:00 am
gumising.
natulog nanaman.
hehe.
hanggang sa sumapit ang alas-otso.
haha!
takte! late nanaman ako.
sinasadya ko naman yun eh.
manonood pa kaya ako ng hunterXhunter.
ay! syanga pala..
alas tres na ng madaling araw ako natulog eh.
ewan ko ba.. hirap akong dalawin ng antok kahapon ah.
dapat humihikab na ko pagtapos kong uminom ng gatas.
pero ayun.. nakikipag sayawan ako sa mailap na atok. takte!
bakit kaya?
ano?
nakita ko lang si ano?
nyeh! di naman siguro. hehe.
pero infairness.. aaminin ko na nga.
oo na. buong gabi hanggang umagang okupado nya isipan ko.
haynako! bakit kaya.. mo-move-on na nga ako eh.
muka kasing move na move na sya. hehe.
teka dapat ako pa nga tong mauna kasi payat ako eh.. tas sya mabigat. hehe.
konek?! well.. hindi naman masyadong konektado di ba?
wala lang choice ko din naman toh eh.
magkasabwat sila ng isang bahagi ng circulatory at nervous sytem ko.
yung brain saka yung heart.
parang nag-aapir pa nga ang mga loko kaya siguro ayun.
pinahirapan akong makatulog.. kasi trip nilang mag-reminisce.
baduy ba? kasing baduy ng landlady nila? hehe.
as if borders ko lang yung heart at brain ko eh noh?
borders for life. :)

balik tayo.
sa mga borders ko nga.
ang kukulit talaga nila..
nalaman nilang nasa malapit lang yung alam mo na.
ayun. parang mga tanga lang.. hehe.
sya tama na nga madami pa kong gagawin eh.
saka ika nga ni ka-officemate ko.
lalaki yun.. siguradong wala na dun yung mga nangyari sa relasyon namin.
in short.. move-on na move on na yun.
siguro kaya niya nasabi yun kasi base na rin sa experience niya bilang lalaki.
haha. minsan ewan ko kung nakakatulong ba talaga yung isang yun eh.
o nang-aasar. hehe. sarap kaltukan. jokes! pero sa totoo lang may point naman sya eh.
kunsabagay kailangan ko talaga ng payo mula sa eksperto. :)
sya. hanggang dito na lang muna talaga brad!. :)

hanggang sa muli. ^_^

Monday, September 14, 2009

OST - sermon ni ina hehe

haaay! salamat medyo nag li-low yung musika ni ina ah. (teka musika ba yun? hehe)
ang tibay ko no? kasalukuyan kaming sinesermunan ni mudra pero ako eto..
bina-blog ko na pala sya. hehe.
plano ko talaga tapusin yung trabaho ko dito sa bahay, e kaso ayan na nga..
na-bad-trip si inay, damay-damay.
ganito kasi yun.. pihado pinagalitan ni erpats yun eh kasi umalis, kaya ayun ang resbak sa amin.
aktwali, dapat sana ekskyus ako di ba? kasi galing pa kong tarbahu tapos eto nag-uwi ng tarbahu..
tsk! e kaso.. ika nga ni Eks chain reaction daw yun.. ayun nga. tumpak.
ako na walang kamalay-malay eh napasali. haha. ang saya.
humupa naman na eh. sa wakas.

alam mo ba.. share ko lang. kasalukuyang may kaganapan sa labas..
syempre mga magdadabarkads yun.
nan dun si Eks hehe. kita ko nga sya eh. ayun half-naked lagi kasing nag-iinit yun eh.
(ay mali! pangit ng term laswa.)
ma-init-in yun.. teka pangit pa rin yung term.. pawisin na lang. hehe.
eto nga banat ni insan bitotits sa 'kin eh.

Bitot: te nymphs jan eks mo ah. naka violet din. soulmate.
Ako: talaga? sweet naman. hehehe.

nung nakita ko pala sya mag-ba-bike sana kami nun ni Kulots ih.
pero flat yun gulong ng bike.

ano kayang meron? hehe. biglang na-curious.
malabo yung mata ko sa malayo pero..
hayun kitang kita ko sya. hehe.
takbuhin ko kaya? tas hug ko ng mahigpit na mahigpit. chos!
as if kaya eh noh? haha.
naisip ko lang naman.. hanggang isip lang naman ako minsan eh.
pero infairness namimiss ko pa rin talaga yung ungas na yun.
pero wala ng bitterness and pain.
lungkot nga lang. hehe.
dinig ko nga dito yung boses nya eh.
kumanta sya ng Champagne Supernova ng Oasis.
kinanta nya rin kaya yun nung nag Tom's World kami.
(uuy! reminiscing hehe.. tama tuksuhin ang sarili hahaha! )
well, admitted isa yan sa mga namimiss ko eh.
yung kahit di ka-inlab-inlab yung boses nya maiinlab ka pa rin. (gulo noh? haha)
para sa 'kin lang naman.
binansagan ko pa nga syang WALKING JUKEBOX eh.
haaays!
kung tutuusin pag mga ganitong sumusulat ako na konektado sya mega-cry-cry na ang lola nyo.
pero himala!
tulo sipon lang ng konti hehe..
kasi may sipon ako ngayon eh hehe.
well, enough of this na nga. back to work na ko.
yun naman talaga yung dapat kong gawin kaya ako nasa harap ng PC eh.
so baboo na ang da who! uhmuaah!


God bless na lang sa pag-uwi para sa proud lasinggerong yun. hehe. (aminado naman sya dun eh.)
alam ko sobrang ligaya nun kasi.. tiyak kainuman nya yung prinsesa at pangarap niya.. yihi! tinde!
hehe. (amoy selos ba? chos!)
sya sya.. dito na lang muna talaga. :)

Monday, September 7, 2009

Bagong Luma at Isang Kwento.

sa wakas natupad na rin ang pangarap kong magkaron ng orihinal na converse.
as in orihinal kahit pa nga sabihing "bagong luma" sya.
ano ang bagong luma? yun yung bagong bili pero luma mo lang syang nabili..
pwedeng gamit na gamit.. pwede naman konting gamit lang. oo, galing kasi sya sa UK eh.
as in ukay-ukay. di naman ako nahihiyang dun ako bumibili. di importanteng bago, ang mahalaga may tibay kang maaasahan.. at sa tingin ko naman. meron naman. muka pa nga syang bago eh.
sana magtagal kami noh? unlike my recently torn relationship. (ikumpara ba? hehe.)
naisip ko lang kasi ulit nun sinusuyo nya pa ko.. gumamit din ako ng paghahalintulad o simili sa isang sapatos na. tama ba? tinanong ko sya tungkol sa sapatos na luma at bago.. ang tinutukoy ko kasi nun eh yung nakaraan at ang parating. basta. di ko na ikukwento pa baka kasi maalala ko pang gusto nya yung bago nung mga time na yun eh.. pero sa kasamaang palad mukang maagang nasira. abnormal kasi yung sapatos na pinili nya eh. yan tuloy mukang gusto kong isipin na kung sana yung luma na lang ulet.. baka sakaling di pa sya nasaktan ng sapatos na yun na masikip sa kanya. tama ba? hehe. medyo magulo yung kwento pero sana magets nyo pa rin. hehehe.

mabalik tayo sa bagong sapatos.. binili ko yun kasama ang pinsan kong si Menggai at kaibigan nyang si Jeazza. Humalukay din kami ng tig-benteng damit. hehe.. ang totoo nyan sa Informatics lang namin balak pumunta pero ewan ko ba kung ba't napadpad kami sa ukay-ukay na yun. bumili di si Jeazza ng bag.. tila nga nagshopping kami eh. tas yun umisleep ng konte tapos nagsimba.

sa simbahan:
nakatayo lang ako kasi puno na.. naguumpisa na nga nun dumating ako.
bilib talaga ako sa pari na nagsesermon dun.. di ko alam yung pangalan nya eh. pero sya yung tipo na magiiwan ng isang gawain bago niya tapusin yung sermon nya.. yun bang parang ibibitin nya.. pero ang totoo ganun talaga kasi yung karugtong nun ikaw/ako na mismo yung bahalang magdugtong. gets mo? ayun nga..

ito ang kwento:
meron daw syang kaibigang doktor at itong kaibigang doktor niya ay may kaibigang business man. si business man at yung asawa ni business man ang bida rito eh. (instrumento lang ang doktor at si father para makarating sa 'tin yung kwento) umpisahan ko na.
yung misis ng business man ay may sakit. matagal tagal na ring naka confine pero sabi ng doktor dapat daw sa mga test na ginawa nila ay maaari ng makarecover or dapat ay magaling na si misis. kaso parang ganun pa din. kaya tinanong ni doktor itong si misis.

doktor: nagtataka lang ako dapat sa mga ginawa namin ay magaling ka na at maaari ka ng lumabas. pero bakit? ayaw mo na bang mabuhay pa ng mas mahaba para sa asawa mo?
misis: malakas ang asawa ko at matagumpay. kaya nyang mabuhay mag-isa. kaya nyang mabuhay ng wala ako.

(ingles yung pagkwento ni father nyan eh.. saka hindi eksakto pero okay na yan. hehe)

kaya sinabi ng doktor na kausapin ni business man si misis.
at yun nga ang ginawa ni business man.

pinuntahan ni business man.
hinawakan ang kamay at pinisil habang may nangingilid pang luha.
tinanong ni business man si wifey ng:

businessman: don't you want to spend longer days with me?
misis: you are a strongman a successful one.. you can very well live without me." *in tears*
businessman: but i love you and i can not live without you.

then yun na.
matagal na pa lang kulang yung ganoong affection sa kanilang dalawa. dahil siguro sa ka-busyhan ni businessman. medyo bitin yung kwento ko noh? pero pramis nagtayuan balahibo ko nyan at naiyak. kakatouch kasi. di kasi ako ganun kagaling mag kwento eh. medyo hindi detalyado kung minsan.. pero malinaw naman. (malinaw nga ba? hehe.)

syempre na iyak ako dahil sapul ako. hehe. di kasi talaga ako ganun ka-affectionate. pero may kilala akong sobrang affectionate sa sobrang affectionate nya nga na overwhelm yung ka-loveteam nya at yun.. nababalewala na pala ni manang si manong. parang namanhid.. at later on nalang na realized ni manang yung nawala niya. ganun talaga eh. wala namang pagsisising nasa unahan di ba?

alam ko na yun.

kaya mabalik tayo..

tungkol sa sa KOMUNIKASYON.
kasama daw yun sa pinaka importanteng sangkap ng isang relasyon.
yung may maayos at malinaw na komunikasyon.
dapat talaga mag kasama ang salita at gawa.
kung hindi man dapat may malawak na PANG-UNAWA ang bawat isa.
at dapat marunong tayong MAKINIG.
kala ko noon kayang kong iklasipika ang sarili ko bilang mahusay na taga pakinig.
pero sumablay ako sa isang yun.

balik tayo kay manang at manong.
yun kasi yung kulang sa kanila eh.
maayos na komunikasyon.
si manong kasi iniipon muna yung mga pagkukulang mo tapos ayun!
saka ibabanat kay manang.
sanay naman si manang na may nagsasabi ng flaws niya eh.
yun bang pinaprangka kung anong mali sa kanya.
pero si manong mukang hindi ganoon.
may pagka sensitibo. hindi naingatan ni manang yung mga kilos at sinasabi niya.
kaya yun. malamang sa malamang.. nasaktan nya si manong ng di naman namamalayan ni manang at di rin naman sinasadya.
isang araw nagpasya silang magkita.. para sana pagusapan ang pinagdadaanan ni manang sa bahay nila. para kahit pano ay humugot ng katatagan mula sa isa't isa. kasi dumating na sa puntong pinapipili si manang. pero.. ang nangyari.. nabalot ng lamig si manang nung mga sandaling yun.. hindi ng lamig ng aircon sa sinehan kundi sa lamig ng aura ng taong kasama niya. parang estrangherong nakahawak sa kamay at panak-naka'y niyayakap niya. anong problema? parang wala na meron. ewan. lumipas na para alalahanin pa noh? pero ganun.

sa mga oras na 'to.. siguradong sigurado akong inaatake na naman ng mga katanungan si manang. mga tanong na tulad nito:

kung nakinig lang sana ako?
kinulitan ang pagtatanong ng..
"huy! may problema ba sa 'tin? dahil pa rin ba sa absent ko sa bortdey mo?"

itatanong din siguro ni manang to:
"mahal mo pa ba 'ko? o ngayon pinagsisisihan mo ng ipinagpilitan mo pang pumasok sa komplikadong buhay ko?"

sa tingin ko.. di naman ganun ka komplikado buhay ni manang brad eh.
etong si manang lang talaga yung nagiisip ng nagiisip para maging komplikado.
dumadagdag pa kasi sa isip ni manang yung mga tsiks ni manong.
hassle yun.
naramdaman din kasi ni manang na parang nakalimutan ni manong na iba si manang.
iba. oo. ibaaaaaaaaa!!!!
biglaan pang naging transparent etong si manong.. di alam ni manong na malakas yung pandama ni manang sa ganyang mga sitwasyon. galing na kasi sya dun. sige na.. oo.. pwedeng maging mapanghusga.. o tamang hinala.
pero sabi nga sa ingles. "never underestimate the power of your instict"
instict lang yun. pero pakonti konti.. nagkakaroon ng nabubuong larawan.

na baka:
namimiss nya na yung pakikipag bahay-bahayan niya?
yung halos bente kwatro oras nyang pwedeng makasama yung gelpren niya?
na baka gusto niya rin ng mga larawang may kissing scene at ipapaskil sa FS?
na nasasaktan sya kasi may ibang mahal na yung babaeng minahal niya ng matagal?
na sana pumayag na lang syang makipagbalikan kaysa manatili sa abnormal niyang loveteam?
marami pang baka..

pero naisip din naman ni manang na:
sobrang dami nya na kasing pagkukulang kaya nanlamig na si manong.
di na sya kaya pang pagtyagaan.
naisip nya rin na ayaw niya na ng mga cariƱo brutal na natatanggap niya.
marami din yan..
pero..

kamakailan nasagot yan ng isang salita pero parang patalim na ubd ng talas.


DISAPPOINTED.



yun ang sabi ni manong.
alam ko naman eh.
pareho nga siguro talaga sila ng trip sa buhay.
pero ang totoo marami pa silang di alam sa isa't isa.
binuo at pinaniwala na lang nila ang mga sarili nila sa pamamagitan ng EXPECTATION.
expectations hurt
sya nga pala..
gusto ko rin naman na mabago ako eh.
sa tama.
wag dun sa hindi ko na makikilala pa.
dahan dahan lang pero..
nagmamadali naman yata sya kasi.
bago sa kin toh.

sana pala nasabi kong..
gusto ko rin namang mahing BEST FRIEND mo.
yung sasabihin mo ng buong buo yung hinaing mo sa mundo.
kung malinaw mong sinabi..
mauunawaan naman kita.
marami ako nun.. kahit mahirap humugot.
para sayo..
ilalabas ko naman lahat eh.
MAKIKINIG ako.
kaso..



tapos na.

Friday, June 5, 2009

dramachine.


Date:

05/31/2009 12:48 am

Subject:

thanks.

Message:

alam ko na.
hahayaan mo na lang siguro akong tanggapin yung mga dahilan na inihahain ng isip ko kung bakit ka nagkakaganyan.
kung alin dun.. bahala na ba ako?
pano ba to.. di na kita tatanungin or kokomprontahin pa. Sabi nga sa zorro ata yun.. ang HINDI NALALAMAN HINDI NAKAKASAKIT. Pero gaya nga ng nasa taas sub-consciously.. baka alam ko yun.. kaya nasasaktan pa rin ako. grabe, gustong gusto kong magalit sayo.. sa tuwing tatangkain kong kausapin ka.. at sabihin yung mga gusto kong sabihin.. pinanghihinaan lang ako ng loob. ayoko sanang sa 'kin manggaling 'to.. pero alam ko na nahihiya ka lang na tapatin ako.. mahiyain ka eh. kaya sige.. if this is what you want.. go on. hindi ko ugaling mag keep pa ng taong parang nais ng kumawala. marami ng tao sa paligid ko na madalas pigilan yung mga bagay na gustong gusto kong gawin na alam kong makakapagpasaya sa kin.. at ayokong maging ganun ako sa buhay mo. kaya.. ayun. THANK YOU sa LAHAT. i wished you'll be HAPPY. Take Care and God Bless. Spare me the last virtual hugs.. *huuuuugss!* kasi i'll probably gonna MISS YOU SO.. from the start na alam nating there an understanding
between us na, till the moment we've become official loveteam. hehe. sorry kung napaka mellow dramatic netong message ko.. mas kaya kong dito i-express yung feelings ko about it eh.. so pano. Don't try wishing to me, forgetting you ha.. kasi impossible yun when you've given me so much to remember. again, thank you. STAY SAFE always.. and for the last time.. allow me to say na MAHAL KITA though hindi ko yun nai-express or napatunayan ng bonggang-bongga dahil sa komplikadong sitwasyon.. kahit i have in mind millions of ways on how will i done it.. takot lang po kasi. kaya ayun. IM SORRY na din. sya.. sya.. hanggang dito na lang talaga. ciao.


yan yung madrama kong sinabi nung nagdesisyon na kong tapusin yung loveteam mania namin. pooootek! lam mo brad kung gano kadaming likido yung binawas ko muna bago ko natapos yan. grabe pala talaga yung sakit kapag ayaw mo pang tapusin yung bagay o pangyayaring hindi mo pa talaga gustong matapos. ansakeeeeeet! grabe. isang malaking torture.

mahina kasi talaga ako kapag pumasok na sa usapan yung PARENTS ko. alam kong wala pa kong napapatunayan sa kanila mula nang grumadweyt ako sa kolehiyo. kaya ayun sa ayaw at sa gusto ko, gusto nila yung dapat kong sundin. ang hirap hirap nilang i-please pero gagawin at gagawin ko pa din.

kaya ayun. sana mapatawad niya ko na hindi ko sinabi yung pinaka dahilan tapos parang ibinabato ko pa sa kanya yung sisi. sa isang banda nung huling araw naman na kasama ko sya, naramdaman kong papunta na rin sya dun. ayokong maiwan kaya siguro inunahan ko na lang. pero mas malala pala yun. kasi ayaw ko nga ng iniiwanan tapos ako pala yung mang-iiwan. *di man lang kasi ako inawat, pinigilan man lang.. papapigil naman ako eh.. :'(*


ansaket pootek! ansakeeet talaga!

perstaym eh.

pero sa bagay..
pano nga ba naman niya ko mapipigilan..
eh dinaan ko pa sa FS.

sa FS nya inumpisahan.
sa FS ko tinapos.

ampoootek!

ayaku netoOoOoO!!!


kanta Silverstein kanta:
i know i need your comfort, but this drama makes me sick
and the longer i lay here, i know it's harder to get up
without you - mula sa kantang Call it Karma

wushuuuung!

Friday, May 29, 2009

saklolaaaa!

PAANO mo nga ba
bibitawan yung ayaw mong bitiwan?


PERO kailangan mong gawin yung gusto nila
kahit alam mo sa sarili mong ayaw mong gawin.


PAKSYET! ang gulo. hirap magdesisyon.



TULOOOOOOONG.

Monday, March 16, 2009

tula ni Manang.


sa lahat ng maingay,
trip kitang pinakikinggan.

sa lahat ng mayabang,
sayo lang ako nalibang.

sa lahat ng istorbo,
ikaw ang peborits ko.

sa lahat ng papansin,
sayo lang ako napaamin.

sa lahat ng makata,
(kahit hindi ko inakala)
sayo ako'y napahanga.

sa lahat ng korni,
tumitiklop ako sa mga banat mong matindi.

sa lahat ng chubby,
ikaw lang pinaka gusto kong katabi.

sa dami ng bhalong,
sa akap mo lang ako nagpakulong.
(yun oh! *kilig*)

di ko man laging naibubulong,
mahal po kita manong! :)


sa panulat ni manang ^^