bumabagyo na nga kanina nakuha ko pang i-blog noh?
grabe.. ilan na naman kaya ang ibabalitang itinumba ng bagyong..
sino na nga ba yun??
nagsisimula sa O..
uhm..
(teka tanong ko lang muna..)
ahh.. yun! oo.. si Ondoy..
(ewan ku lang kung tama pagkaspell ko sa pangalan nya ha..
wag naman sana syang magalit sa 'kin.. kung mali.. hehe)
ayun.. nagising ako ng mga alas-dose..
aktwali mas maaga pa ng ilang minuto pero in-advance ku na para masaya..
sa totoo lang may balak akong pumasok eh..
pero salamat na rin kahit paano sa pag-atake ni KATAMARAN.. hehe.
kasi kung hindi dahil sa kanya.. malamang kasama ako sa libong taong stranded sa kalsada..
ang CHUBBY ko pa naman at medyo may pagka-TANGA.. sumusuot lang kung saan saan..
mga trip ko rin kasi minsan wala sa hulog eh..
kaya ayun.. madalas matanga.. hehe.
anong point? ganito kasi yun tsong.. wala akong planong ma-deds dahil lang sa kalampahan ko kung minsan. baka magmatapang ako sa gitna ng baha tas i-anod ako.. yay! saklap nun.
parang kelan pa naman nakapanaginip ako ng ganung scenario.. pero di ako inanod ha.. may baha lang.. tapos tipong parang dagat kasi lakas ng pag-agos. (morbid ko pa naman mag-isip.. ganyan ako ka PRANEEENG!)
pero etong masaya..
mahigit ilang oras rin siguro akong nagtampisaw sa baha ng bahay namin..
panaka-nakang sumusugod sa ulan para maligo.. grabe tsong namiss ko yun.
sa sobrang miss parang trip ko ngang gumulong dun sa "pataasan" (yan yung tawag namin sa bahagi ng kalsada kung saan mas mataas sya sa kinalalagyan ng lugar namin.. gets? basta yun na yun.. para syang nag sisilbing padulasan ng mga munting sasakyang de gulong e.g. trolley, toy cart o bike basta kahit anong maisip mong may gulong na trip laruin ng mga bata.)
ayun!
balik tayo..
sa paliligo ko nga sa ulan..
kulang na lang gumulong ako sa pataasan na yun para lang ulitin yung dating ginagawa namin nung kabataan ko pa.. (oo, sa ayaw at sa gusto ko.. klasipikado na ko sa bilang ng hindi na gaanong kabataan.. di nga lang halata.. bente dos na ko.. bata pa ba yun? mag-isip siguro minsan aminado ko dun.. hehe.)
pero di ko ginawa.. miya damputin na lang ako at pagkamalang may sapak sa utak.. hehe.
nilaro na lang namin ni Kuloten yung munting mercedez ng pamangkin con inaanak kong si Jerome. haha. hayun.. parang bata nga.. sarap! wala ng sasarap sa ganung pakiramdam.. haaay!
naalala ko naman tuloy bigla.. nung bata-bata ako. siguro mga elementary days.. nagmamadali akong tumanda.. kasi gusto kong magtrabaho at kumita ng pera. makatapos sa kolehiyo at makatulong. pero takte! eto na ko oh.. kahit pano kumikita ng pera.. tapos ng kolehiyo (pero hindi yung pinangarap ko.) isang malaking tanong ko lang. NAKAKATULONG NGA BA 'KO? o pareho lang? haay! saklap. sana naman kahit pano.. OO yung masagot ko. pero.. ewan ko.
sya nga pala.. alam mo bang sa mga ganitong pagkakataon sumisingit na naman yung isa dun.. yung taga-antipolo na, pero laking san juan talaga sya.. grabe! sakit na yata yung palagian nyang pagtambay sa ala-ala ko ah. tsk! eto mahirap sa taong ma sentimyento eh.. hirap ibaon sa limot yung taong may naipong magagandang ala-ala kasama ko at kaparehas mo nga ng trip sa buhay. mahilig din kasi yun maligo sa ulan. minsan nga naisip ko na sana minsan mangyari na magkasabay kami maligo sa ulan.. as in literal na ligo hindi yung nagpapaulan lang.. tapos sasamahan ko na rin kaya ng kissing scene??? hehe.. jowk! di ko pala tinatangkilik yung PDA. pero pramis.. minsan naglaro talaga sa isip ko yan.. an suwiiiiiiit siguro nun tagpong ganun noh tsong? palagay mo? o masyadong gasgas.. tipong ala richard gutierrez at angel locsin? yihi! kinilig sya o ako? sige na nga ako na.. hehe. tapos eto pa.. kakargahin pa daw tapos iikot ikot (parang tanga lang!) hehe. baduy ko pare baduuuuuuuuyyy! hehe. yan naman ang inisip ko lang dahil trip kong matawa.. korni na kasi yun eh.. pihadong sa pinilakang tabing, sine-sine at telebisyon lang nangyayari yung ganun. jologs na tingnan sa totoong buhay. kitams miski ikaw nabaduyan. hehe.
ay teka..
tutal usapang ulan naman na..
alam mo bang napakasarap rin ng tagpong ma-stranded kayong mag-sing-irog sa ulan?
oo tsong! grabe! heavy.. hehe. (parang adik lang eh noh?)
naranasan ko nga yun.. ang sarap parang chicken joy.. (bakit chicken joy?)
kasi maalala ko lang.. katatapos lang namin kumain nun sa Jabi eh.. tas biglang umulan..
mahina lang naman.. pero ayun mejo pinahina pa namin.. tumambay muna kami sa madilim. (wala naman kaming ginawang kalaswaan pramis.. desenteng tambay lang. bakit nga ba ko nageexplain? kasi ganito yun minsan kasi na tsismaks yun na may tsiks daw na ka kissing scene na mega kandong pa daw yung tsiks.. sino kaya yun? tsk! tsk! mga imbento kasi ng mga dalaherang walang magawa sa buhay mega exaggerated talaga kuminsan.. buti sana kung minsan lang eh.. may ilan kasing tila hobby na nila.. kaasar!)
ayan! balik na nga tayo sa kwentong stranded..
kalbs kasi yun eh.. parang beybi, naisip ko yung bunbunan nya baka mahamugan pa. hehe.
ayaw nya rin kasi akong magkasakit syemperds. kahit pinipilit kong gora na kami kasi alam ko dat time kikitain nya dapat yung pamilya niya eh.. kain din sila sa v-mall. niaaya niya nga akong bumanding sa family niya.. kaso SHY aku eh. hehe. moment nila yun eepal aku? pero infairness natouch ako dun knowing na gusto nya kong gawing parte ng pamilya niya. hehe. kahit sinong gerl naman ganun mararamdaman eh.. o kahit pa nga boy daba? tama naman ako? ayun..
bond with his family??? masaya yun.. kaso dyahe pa talaga ako nun eh. hehe. miya interviewhin ako.. di ako ready. hehe. pero kung tutuusin di ko na sakop pa yang alalahanin na yan ngayon.. epal din ako eh noh.. kinuwento ko pa talaga. sinasalakay na naman tuloy ako ng hukbo ng panghihinayang at tanong na: paano nga kaya kung pinaunlakan ko ang pagkakataong makabonding sila sa ganoong moment? ano? paano? sagutin nyoooooo kooooo????!!!! (haha. baliw?)
balik tayo sa stranded thing. ayun nga.. nagkukulitan lang kami sa isang tabi dun.. kasi ayaw nyang ipaubos sa 'kin yung jolly frost ku. kasalukuyan kasi ata akong may epidemya nun eh.. (ay! mali OA.. sipon lang ata na medyo may ubo-ubuhan.) tinext nga rin ako ni mama nun eh.. kasi siguro sinabi ni Ate Sitang na kasama ko nga yung loveteam ko (noon). kasi bago kami pumunta kay-ka-Jabi nakasalubong namin si Ate Sit (tita ko nga pala sya.) biglaan nya yun alam ko eh.. bigla na lang nya kong niyaya dahil nagugutom daw sya.. (lagi naman. hehe.) alam mo tsong sa totoo lang.. isa 'to sa mga bagay na nangungulila ako eh.. di ko namimiss si Jabi.. pag may salapi ako kumakain naman ako noon dun mag-isa eh. ni hindi ko nga maramdaman noon na hindi masaya kumain ng mag-isa. pero tsong.. iba pala talaga kapag naranasan mo ng kumain kasabay yung taong espesyal sayo.. na para bang halo-halo na may ube at leche flan.. (huh? ) pero pwera biro brad.. yun nga.. ngayon pagkumakain akong mag-isa sa mga fastfood.. biglaan akong sinasakmal ng lungkot at pangungulila ng nag daang panahon na magkasabay pa kaming umuubos ng Mc Float, nilalantakan ang spaggetti ni Jabi, nilalasap ang sarap ng gogo ceasars ng KFC. takte! meyn! kakamiss talaga! iba kasi talaga yung sarap ng pagkaing pinagsasaluhan nyong mag-sing-irog eh. haaays! tama na nga.. baka san pa mapunta 'to. nangingilid na yung luha sa mata ko oh. huhu. hanggang ganito na lang naman ko eh.. GUNITAIN.
:'(
teka bago ko tapusin tong entry kong to..
balik tayo sa bagyo..
sana naman di ka masyadong puminsala ng tao..
oks lang kung mga establisyementong makasalanan..
wag mo rin ubusin ang mga puno..
pati na mga pangkabuhayan ng mga taong umaasa lang dun..
please lang oh..
makasalanan din kaming mga tao..
pero bigyan mo kami ng pagkakataong magbago..
kahit pano naman may mangilan ngilan pang mabubuting nilalang dyan..
(di ba Lord? *tingin langit*)
so, pano bagyo? dumaan ka lang ha, wag ka lang kumitil ng buhay..
at sya nga pala..
oks lang din na maglimas ako ng baha sa bahay namin..
basta oks din yung mga mahal ko sa buhay..
nawa'y walang dapuan ng sakit sa 'min dulot ng medyo natuyuan na mga katawan dahil sa ulan.
at para sa mga na stranded sa ulan kanina at yung mga stranded pa rin..
ligtas na sana sila.. ayun!
salamat!
signing off..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment